P3.4-M halaga ng shabu nasabat ng PCG sa Zamboanga City
Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa cargo area ng isang airline company sa Zamboanga City.
Ayon sa ulat ng PCG, nagsagawa ng inspeksyon ang PCG K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao nang maamoy ng asong si Coast Guard Working Dog (CGWD) Bunny ang 500 gramo ng shabu.
Sa inisyal na imbestigasyon, isang “Farhana Maddih” mula sa Maluso, Basilan ang nagpadala ng kargamento at tatanggapin sana ng isang “Dayana Ismael” mula sa Quezon City.
Agad ding ibinigay ang package sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX para sa masusing imbestigasyon.
Katuwang ng PCG sa operasyon ang lokal na pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.