Pagbuo ng disaster response agency, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero
Hindi man isang kagawaran o departamento, sapat na para kay Senator Francis “Chiz” Escudero na magkaroon ng isang ahensya para matiyak na nasa oras at maayos na maipamamahagi ang ayuda sa tuwing may kalamidad at sakuna.
Sinabi ito ni Escudero kasabay ng mga panawagan sa pagbuo ng isang kagawaran kasunod ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon.
“The law creating a strengthened disaster response agency should have an
anti-red tape provision and must ban complex rules that impede the flow
of rehabilitation funds to calamity-stricken areas,” diin niya.
Ibinahagi nito na base sa kanyang karanasan bilang gobernador ng Sorsogon, napakabagal ng pagpapalabas ng pondo dahil sa napakaraming dokumento na hinihingi ng pambansang gobyerno sa mga lokal na pamahalaan.
Aniya, malalaman ng publiko ang mga detalye ng kanyang sinasabi sa mga isasagawang pagdinig sa Senado ukol sa mga panukalang pagbuo ng isang opisina para sa disaster response.
“Kung gaano katulin ang bagyo ganun din dapat ang tulong,” saad pa ng senador.
Samantala, ibinahagi ni Escudero na nagkaroon siya ng ‘exposure’ sa isang COVID-19 carrier.
Wala naman aniya siyang mga sintomas at sasailalim siya sa test makalipas ang dalawang araw.
“Just want to be responsible, pro active and not reckless,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.