OCTA: NCR, nananatili sa ‘moderate risk’ sa COVID-19
Naglabas ang independent monitoring group na OCTA Research ng datos ukol sa lagay ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 1,209 na ang 7-day average ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang Agosto 2. Mas mataas ito kumpara sa 1,057 noong Hulyo 26.
Mula naman sa 21 porsyento, bumaba sa 14 porsyento ang growth rate sa NCR.
Bumaba rin aniya ang reproduction number na ngayon ay nasa 1.24.
Samantala, nasa 8.39 na ang ADAR (average daily attack rate) ng nakahahawang sakit sa Metro Manila.
Tumaas din ang COVID healthcare utilization rate (HCUR) ng NCR sa 38 porsyento, ngunit sinabi ni David na nananatili itong mababa.
Tumaas din ang ICU occupancy sa Metro na nasa 30 porsyento na hanggang Agosto 2.
Mula sa 15.5 porsyento, umakyat sa 16.9 porsyento ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Babala ni David, “There is again hope that cases will peak soon.”
Gayunman, nananatili aniya sa moderate risk sa COVID-19 ang NCR.
Patuloy namang pinag-iingat ni David ang publiko at hinikayat na sundin ang mga itinakdang health protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.