11 panukalang batas mula sa Senado, awtomatikong naging batas

By Jan Escosio August 03, 2022 - 01:19 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na 11 panukalang batas na nagmula sa Senado ang awtomatikong naging batas dahil sa walang naging aksyon ang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kasama sa mga panukala na nag-‘lapse into law’ ang Republic Act 11683, Republic Act 11697 o ang Electric Vehicles and Charging Stations Act; Republic Act 11698 o Vintage Vehicle Regulation Act; Republic Act 11700  o ang pagdedeklara sa Catanduanes bilang abaca capital ng bansa; Republic Act 11707  o Egg Basket Act; Republic Act 11840 o Philippine Deposit Insurance Corporation Charter; at Republic Act 11861 o pinalawig na benepisyo para sa mga Solo Parents.

Gayundin ang Republic Act 11897 o National Baptist Day Act; Republic Act 11898 o Extended Producer Responsibility Act; Republic Act 11899 o Second Congressional Commission on Education Act; at Republic Act 11901 o Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act.

Kabilang ito sa mga huling naipasang panukala sa nakalipas na 18th Congress at naipadala sa Malakanyang ngunit hindi na-veto o nalagdaan ng Punong Ehekutibo kayat awtomatikong ganap ng batas.

Sinabi ni Zubiri masyadong napagtuunan ng pansin ang limang panukalang batas na na-veto ni Pangulong Marcos gayung may 11 naman na naging ganap na batas.

TAGS: Veto, zubiri, Veto, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.