P5-B hanggang P13-B halaga ng COVID-19 vaccines nasayang; Sen. Hontiveros humirit ng imbestigasyon

By Jan Escosio August 03, 2022 - 12:11 PM

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan sa Senado ang pagkasayang ng bilyun-bilyong pisong halaga ng COVID-19 vaccines.

Binanggit ni Hontiveros na base sa mga ulat, mula noong Abril hanggang noong nakaraang buwan, may apat na milyon hanggang 27 milyong doses ang hindi nagamit at nag-expire at nagkakahalaga ang mga ito ng P4 bilyon hanggang P13 bilyon.

“Of course, may mga vaccines na alam nating hindi magagamit dahil sa iba’t ibang dahilan. May margin of error naman talaga. But in this case, goodbye agad sa halagang bilyun-bilyong piso? Mukhang magtatapon tayo ng pera at bakuna sa kabila ng mabilis nanamang pagtaas ng mga COVID-19 cases,” ang himutok ng senadora.

Nabanggit din niya sa resolusyon na dapat ay sikapin ng gobyerno na mabawasan ang mga nasasayang na bakuna at dapat din maging malinaw sa pag-uulat ukol sa mga nasasayang na bakuna.

“Saan ba nagkamali o nagkulang sa proseso? Sa pagplano sa pagbili? Sa roll out? Sa paglabas ng guidelines? Bottom-line, sayang ang pera o supply, kanino man yan kasi. Kasi pinagtrabahuhan natin ang pondo na yan. Tapos, ang ending, itatapon lang pala?,” dagdag pa ni Hontiveros.

Ipinunto na patuloy ang paghingi ng saklolo ng iba’t- ibang sektor at napakasakit isipin na ang gobyerno pa ang lumalabas na nagtatapon ng pera.

 

TAGS: expired, vaccine wastage, expired, vaccine wastage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.