CHED, may hirit kay PBBM na mabigyan ng diploma, certificate ang mga kukuha ng ROTC
Humihirit si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa Kongreso na mabigyan ng Diploma in Military Sciences o Certificate in Military Sicence o Diploma in Disaster Management ang mga kukuha ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni de Vera na nakahanda na ang naturang proposal at maaring isumite sa Pangulo o Kongreso.
Sa panukala ng CHED, ito ay two-year program sa ROTC sa university level na maaring ma-convert sa certificate o diploma.
“Naayos na po namin iyong syllabus na lalamanin nitong diploma program na ito. So, iyong ating mga papasok doon sa option ng ROTC sa NSTP ay magkakaroon ng additional diploma ng kanilang kahusayan na nakuha ‘no,” pahayag ni de Vera.
Tiniyak pa ni de Vera na nakahanda ang CHED para sa pagbabalik ng mandatory ROTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.