Malaking sunog, sumiklab sa residential area sa Sta. Cruz, Maynila

By Angellic Jordan August 02, 2022 - 02:57 PM

Manila DRRM Office photos

(UPDATED) Sumiklab ang malaking sunog sa isang residential area sa Lungsod ng Maynila, Martes ng hapon (Agosto 2).

Ayon sa Manila Disaster Risk Management Office (DRRMO), apektado ng sunog ang bahagi ng Fugoso St. Corner P. Guevarra.

Nangyari ang sunog sa likod ng Central Market malapit sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 1:05 ng hapon.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy kung kaya’t agad itinaas sa ikalimang alarma ang sunog bandang 1:35 ng hapon.

Tila yari sa light materials ang ilang apektadong kabahayan.

Tuluyang naapula ang sunog bandang 3:23 ng hapon.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update ukol sa insidente.

TAGS: FirePH, InquirerNews, manila, manila fire, RadyoInquirerNews, sunog, FirePH, InquirerNews, manila, manila fire, RadyoInquirerNews, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.