Sen. Jinggoy Estrada, sinabing dapat magtakda ng permanent evacuation center sa bawat LGU
Sa pagtama ng magnitude 7 na lindol noong nakaraang linggo, muling lumutang ang matinding pangangailangan sa permanenteng evacuation centers sa bawat lokal na pamahalaan.
Sa permanent evacuation centers, ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, maaring tumakbo at tumuloy ang mga apektadong pamilya.
“Dapat ay mayroon na talagang designated na permanent na evacuation centers, mga disaster-resilient safe structures na maasahan sa bawat munisipyo at mga lungsod sa tuwing may kalamidad,” paliwanag ni Estrada nang ihain niya ang Senate Bill No. 465 o ang proposed “Multipurpose Gym in All Municipalities and Cities Act of 2022.”
Dagdag pa niya, “Hindi na uubra ang mga public school buildings na kadalasang sinisilungan ng ating mga kababayan dahil sa maging mga ito ay apektado rin at nasira ng lindol.”
Diin niya, apektado ang mga klase sa tuwing ginagamit na evacuation centers ang mga eskuwelahan.
Ang nais ni Estrada na maitayo ay multi-purpose halls o gyms sa bawat lungsod at bayan sa bansa.
“Multipurpose halls or gyms are better options as evacuation centers because they are more spacious and their use does not interfere with important activities,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.