Pulong ni Pangulong Marcos at mga opisyal ng DA, sumentro sa usapin sa asukal at niyog

By Chona Yu August 02, 2022 - 11:49 AM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Sumentro sa usapin sa asukal at niyog ang pulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa Palasyo ng Malakanyang.

Isinagawa ang pulong noong Lunes, Agosto 1.

Ginawa ng Pangulo ang pulong sa gitna ng banta ng kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.

Ayon sa Pangulo, pinakinggan din niya ang suhestyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Nais kasi ng Pangulo na malaman ang ugat ng problema sa sektor ng agrikultura.

Una rito, humihirit naman ang coconut farmers kay Pangulong Marcos na i-release na ang P100 bilyong coco levy fund.

TAGS: BBM, BBMadmin, coco levy fund, DA, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, RadyoInquirerNews, Samahang Industriya ng Agrikultura, BBM, BBMadmin, coco levy fund, DA, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, RadyoInquirerNews, Samahang Industriya ng Agrikultura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.