Isolation rooms ng ilang ospital sa QC, handa na para sa posibleng kaso ng monkeypox
Inihanda na ang isolation rooms sa ilang city-owned hospitals sa Quezon City bilang preparasyon sa posibleng pagkakaroon ng kaso ng monkeypox sa lungsod.
Sinabi ng Quezon City Government na mayroong nakatalagang kuwarto na may sariling comfort room sa mga posibleng kaso ng naturang sakit.
Kabilang sa mga ospital na mayroon nang isolation room para sa posibleng kaso ng monkeypox ang Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, at Novaliches District Hospital.
Maliban dito, puspusan na rin ang orientation patungkol sa monkeypox para sa mga healthcare worker mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong ospital, health centers, at sundown clinics and hygiene clinics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.