80 menor de edad sa Pasay City, dinala sa presinto dahil sa paglabag sa curfew
Walumpung mga menor de edad ang pinaghuhuli at dinala sa Pasay City Police Station dahil sa paglabag sa curfew ordinance ng lungsod.
Sa presinto, mayroong kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kumausap at nagpaliwanag sa magulang ng mga bata.
Hiningan din ang mga magulang ng birth certificate at matapos mapagsabihan ay pinayagan na din silang iuwi ang kanilang mga anak.
Sa ilalim ng curfew ordinance ng Pasay City, sa unang paglabag ay ire-record lamang sa blotter ng mga otoridad, pero sa ikalawang paglabag ay sasailalim na sa community service at pagmumultahin naman ng P500 sa ikatlong paglabag.
Kahapon ay magkakahiwalay na operasyon din ang isinagawa sa Quezon City, Mandaluyong at Taguig hinggil sa mga menor de edad na lumalabag sa curfew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.