Robredo walang maaasahang puwesto

By Jay Dones June 01, 2016 - 04:34 AM

 

duterte-robredoTuluyan nang binara ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga balitang posibleng mabigyan ng posisyon sa Duterte Cabinet si Vice President-elect Leni Robredo.

Sa press conference, sinabi ni Duterte na ‘non-committal’ siya sa pagbibigay ng anumang posisyon kay Robredo dahil galing ito sa ‘opposite side’ o ‘kabila’.

“There’s no compelling reason for me to accommodate the Vice President. I’m sorry,” pahayag ni Duterte.

Paliwanag pa ni Duterte, kaibigan niya si Senador Bongbong Marcos at bilang katunayan, naging bahagi pa ng Gabinete ng ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang kanyang tatay.

Paliwanag pa nito, natalo siya sa Bicol region na balwarte ni Robredo ngunit landslide ang kanyang lamang sa ‘Solid North’ na hawak naman ng mga Marcos.

Ayaw niya aniyang masaktan si Sen. Bongbong at umaasang maiintindihan ito ng kanyang magiging bise-presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.