Mga ‘manyak’ bawal na sa QC

By Jan Escosio June 01, 2016 - 04:29 AM

 

Isa nang ganap na ordinansa sa Lungsod ng Quezon ang panukalang nagbabawal sa pambabastos sa mga kababaihan matapos itong pirmahan ni Mayor Herbert Bautista.

Nakasaad sa Gender and Development Ordinance o ang Anti-Catcalling Ordinance, pinagbabawal na ang pagsipol, green jokes at stalking sa mga babae sa lungsod.

Ang mga irereklamo ay maaring pagmultahin ng P1,000 hanggang P5,000 at posible rin silang makulong ng isang araw hanggang isang taon.

Ang mga magrereklamo ay maaring dumulog sa women’s desk sa mga istasyon ng pulisya.

Sinabi ni Bautista dagdag proteksyon ito sa mga kababaihan, at aniya para na rin mabago ang pagtingin ng mga lalaki sa mga babae, sabay pagdidiin na ang mga kababaihan ay hindi dapat itinuturing na sex objects.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.