Dayalogo sa mga eskuwelahan, palalakasin ng PNP

By Jan Escosio July 29, 2022 - 09:40 AM

Screengrab from PNP’s FB live video

Matapos ang madugong insidente sa Ateneo de Manila University (ADMU), sinabi ng pambansang pulisya na palalakasin pa nila ang pakikipag-dayalogo sa pamunuan ng mga paaralan.

Ayon kay PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ito ay para mapalakas din ang seguridad sa mga institusyon ng edukasyon upang maiwasan ang mga krimen at karahasan.

“We plan to have a dialogue with various stakeholders, especially in schools. We will present our detailed security plans for the opening of classes and how to strictly implement procedures against unauthorized persons,” ani Danao.

Sinabi pa nito na tatalima sila sa panawagan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na palawigin ang kaalaman ukol sa mga karahasan sa paggamit ng baril.

Samantala, pinuri ni Danao ang maagap na pagresponde ng mga pulis kaya’t naaresto agad si Dr. Chao Tiao Yumul, ang itinuturong pumatay kina dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay, sa kanyang assistant na si Victor George Capistrano at guwardiyang si Jeneven Bandiala.

TAGS: Ateneo shooting, Danao, news, Radyo Inquirer, Ateneo shooting, Danao, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.