P5.2 trilyong 2023 national budget, tatalakayin sa Cabinet meeting
Magsasagawa ng Cabinet meeting si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang sa araw ng Biyernes, Hulyo 29.
Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, 9:00 ng umaga, mag-uumpisa ang pagpupulong.
Pangunahing agenda sa Cabinet meeting ang 2023 national budget.
Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na binabalangkas na nila ngayon ang P5.2 trilyong national budget para sa susunod na taon.
Saklaw ng budget ang mga programa na may kinalamaman sa edukasyon, kalusugan, social safety nets, imprastraktura at agrikultura.
Sa araw ng Huwebes, July 28, sana nakatakda ang Cabinet meeting.
Subalit ipinagpaliban ito ng Pangulo dahil inuna muna ang pagbisita sa Vigan at Abra matapos ang magnitude 7.0 na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.