P408M halaga ng shabu nakumpiska sa Pampanga anti-drug operation

By Jan Escosio July 29, 2022 - 08:51 AM

Halos 60 kilos ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP –DEG) sa ikinasang buy-bust operation sa Pampanga, Huwebes ng hapon (Hulyo 28).

Naaresto sa operasyon ang 31-anyos na na si Hernani Cosumo, ayon kay PNP-DEG chief, Brig. Gen. Randy Peralta.

Isinagawa ang operasyon bandang 2:00 ng hapon sa Mega Station NLEX sa Barangay San Felipe, San Fernando City.

Bukod sa droga na nagkakahalaga ng P408 milyon, kinumpiska din mula kay Cosumo ang isnag Hyundai Starex (YFU 655), ilang IDs at mga dokumento.

Nagtungo pa sa lugar sina Interior Sec. Benhur Abalos at PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: drug operation, news, Pampanga, Radyo Inquirer, drug operation, news, Pampanga, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.