Bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot sa 3,858
Tumataas pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa tala ng Department of Health (DOH), mayroong 3,858 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Pilipinas hanggang Hulyo 28, 2022.
Dahil dito, umakyat na sa 3,764,346 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,897 o 0.8 porsyento nito ang patuloy na nagpapagaling sa naturang sakit.
3,673,745 o 97.6 porsyento naman ang COVID-19 recoveries at 60,704 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths.
Patuloy na hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna at magpaturok ng booster shot upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra sa nasabing sakit.
Sa ngayon, mahigit 71.6 milyong Filipino na ang fully vaccination laban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.