Pagbabalik ng serbisyo ng telcos sa ‘quake-hit areas’ pinamamadali ng NTC
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na bilisan ang pagsasaayos ng kanilang mga nasirang pasilidad, partikular na sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol.
Ayon sa NTC, ito ay upang agad na maibalik ang serbisyo ng telcos.
Paalala ni Comm. Gamaliel Cordona, dapat may sapat na technical and support personnel, bukod sa standby generators at iba pang kinakailangang gamit ang telcos.
Inaasahang regular na magbibigay ang telcos ng updates ng ginagawang restoration operations sa kanilang mga pasilidad.
Nais din ng komisyon na magtakda ang telcos ng timeline para sa ganap na pagbabalik ng kanilang serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.