Higit 800 aftershocks naitala kasunod ng M7.0 earthquake

By Jan Escosio July 28, 2022 - 09:45 AM

ABRA PNP PPO PHOTO

Ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala ng 808 aftershocks matapos ang magnitude 7.0 earthquake noong Miyerkules ng umaga, Hulyo 27.

Ayon pa sa Phivolcs, sa naturang aftershocks, 126 plotted, samantalang 24 naman ang recorded hanggang 7:00, Huwebes ng umaga (Hulyo 28).

Nabatid na ang magnitude ng aftershocks ay mula 1.5 hanggang 5.0.

Dahil itinuring na ‘major earthquake’ ang pagyanig ng lupa noong Miyerkules, una  nang nagbabala ang ahensiya na maaring magkaroon pa ng aftershocks sa mga susunod na araw o may posibilidad na umabot pa ng mga buwan.

Maraming istraktura, kabilang ang mga bahay, gusali at tulay, sa ilang lalawigan ang napinsala ng lindol.

TAGS: Abra, aftershocks, earthquake, Abra, aftershocks, earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.