Patungo na sa Abra si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para personal na masiyasat ang pinsalang idinulot ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon, araw ng Miyerkules (Hulyo 27).
Ibinahagi ito ng Press Sec. Trixie Cruz-Angeles at aniya, pasado 8:00, Huwebes ng umaga (Hulyo 28), nang lumipad patungong Abra ang Punong Ehekutibo.
“This morning, at past 8AM, the President took off for Abra to check the situation, inspect the damage and be briefed on the rescue and relief efforts there,” ani Angeles.
Base sa mga ulat, ang Abra ang nakaranas ng pinakamalalang danyos.
Sa pinakahuling ulat, limang katao na ang namatay at 64 ang nasugatan dahil sa lindol.
Una nang tiniyak ng gobyerno ang agarang pagpapalabas ng pondo para sa mga apektadong lugar at mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.