Nagpahayag ng suporta ang pambansang pulisya sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP) para sa mga kabataan.
Sinabi ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon na mapapagtibay ng mga nabanggit na programa ang pagmamahal sa bansa at maihahanda na rin sila sa anumang banta sa sobereniya ng Pilipinas.
“These promote the level of leadership and discipline, as well as the patriotic attitude or character of every Filipino, so this is really welcome in my opinion,” dagdag pa ni de Leon.
Magugunitang sa nakalipas na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. itinulak nito ang mandatory ROTC at NSTP sa mga estudyante ng senior high school upang masanay ang mga kabataan sa national defense readiness, disaster preparedness at capacity-building.
Itinutulak din ni Vice President Sara Duterte ang mandatory youth training program.
“Both our President Bongbong Marcos and Vice President Sara Duterte-Carpio are right in pursuing this because it will orient our young generation towards military organization, which is necessary if there is a major threat to our beloved country,” dagdag pa ni de Leon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.