Sens. Pimentel, Hontiveros may resolusyon para palayain si ex-Sen. de Lima

By Jan Escosio July 26, 2022 - 01:02 PM

Kabilang sa mga unang resolusyon na magkatuwang na iniakda nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senator Risa Hontiveros ang para sa pagpapalaya kay dating Senator Leila de Lima.

Ibinahagi ni Hontiveros na kabilang sa laman ng resolusyon ang mga naging karanasan sa kulungan ni de Lima, gayundin ang pagbaligtad ng ilang testigo sa ginawa nilang maling pagdiin sa dating senadora.

Bahagi rin ng resolusyon ang kahilingan nila ni Pimentel sa Department of Justice (DOJ) na bawiin na ang mga kasong isinampa laban kay de Lima para sa kanyang agarang paglaya.

Umaasa siyang magiging positibo ang pahayag ng DOJ na hindi sila magiging hadlang sa pagpapalaya kay de Lima.

Nabanggit din ni Hontiveros na isang miyembro ng mayorya sa Senado ang nagpahayag na ng kagustuhan na maging co-author ng resolusyon.

Hindi na ito kinilala pa ni Hontiveros.

TAGS: de lima, DOJ, minority, de lima, DOJ, minority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.