‘Rightsize bureaucracy’ hindi pagbabawas ng kawani – Recto

By Jan Escosio July 26, 2022 - 12:04 PM

Richard Reyes/PDI

Hindi mababawasan ang bilang ng mga nagtatrabaho sa gobyerno sa planong ‘rightsizing.’

Ito ang paniniwala ni Batangas Rep. Ralph Recto dahil aniya, ang pagkuha ng ‘essential government workers’ gaya ng mga guro at nurse ay idinidikta ng paglobo ng populasyon.

Sa pambansang pulisya aniya, sa bawat dagdag na 1,000 ng populasyon ay nangangahulugan ng pagkuha ng isang pulis.

“And how many people are born in this country every 24 hours? About 3,838. So every six hours, we have to, ideally recruit one policeman and one nurse,” ayon sa mambabatas.

Dagdag pa ni Recto, sa bawat 300,000 na dagdag sa public school enrollment ay nangangahulugan naman ng dapat na karagdagang 7,500 guro.

Diin niya, ang tamang ‘rightsizing’ ay dapat base sa misyon na mapagbuti pa ang pagbibigay serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno at hindi lamang kabawasan sa pasuweldo.

TAGS: bureaucracy, rightsizing, bureaucracy, rightsizing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.