WFH workers, freelancers, informal sector workers’ benefits itinutulak ni Sen. Jinggoy Estrada
Nais mapagbuti ni Senator Jinggoy Estrada ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa informal sector, kasama na ang freelancers at mga nasa work-from-home arrangements.
“Hindi natin makakaila na kasabay ng mga pagbabago sa ating pamumuhay ng dahil sa pandemya ay ang mga pamamaraan ng ating hanapbuhay at ang patuloy na paglago ng mga manggagawa sa informal sector at iba pa na hindi nakahanay sa mga regular na namamasukan sa mga opisina,” sabi ni Estrada.
Aniya dapat ay may umiiral din na labor standards at mga benepisyo para maprotektahan ang kanilang mga karapatan.
Kayat nais ni Estrada na magkaroon ng Magna Carta for Workers in the Informal Sector sa paghahain niya ng Senate Bill No. 42.
Kabilang sa mga nais niya na benepisyo ay insurance mula sa Social Security System (SSS), Pag-Ibig at Philhealth.
Bukod dito, nais din ni Estrada na mabigyan proteksyon ang mga mangagawa sa mga isyu gaya ng demolisyon, eviction at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.