LPA, magpapaulan pa rin sa ilang parte ng bansa
Malabo pa ring maging bagyo ang umiiral na low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 255 kilometers Hilaga Hilagang-Silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 270 kilometers Hilaga ng Virac, Catanduanes dakong 3:00 ng hapon.
Magdadala ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Bicol region, Palawan, Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Samantala, makararanas na ng maayos na panahon ang Metro Manila, at nalalabing parte ng bansa.
Hindi pa rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na makaranas ng thunderstorms sa alinmang bahagi ng bansa, lalo na sa hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.