Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, itinalaga bilang House Senior Deputy Speaker
Itinalaga si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress, naihalal na rin ang mga kongresista na magsisilbi bilang Deputy Speaker.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Davao Rep. Isidro Ungab
– Antipolo Rep. Roberto Puno
– Las Piñas Rep. Camille Villar
– Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan
– TUCP Rep. Raymond Mendoza
Samantala, naihalal naman si Zamboanga Rep. Manuel Jose Dalipe bilang House Majority Leader.
Mga miyembro ng Lakas-CMD ang tatlong kongresista na nakakuha ng tatlong matataas na puwesto sa Kamara. Kasama rito sina House Speaker at Leyte First District Rep. Martin Romualdez, Macapagal-Arroyo, at Dalipe.
Samantala, hindi makakadalo si Senior Deputy Speaker Macapagal-Arroyo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos magpositibo sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.