WATCH: Mga raliyista, maagang nagtipon para sa SONA ni Pangulong Marcos
Maagang nagtipon ang iba’t ibang grupo ng mga raliyista sa ilang lugar sa Quezon City para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa bahagi ng PHILCOA, dala ng mga raliyista ang mga banner at placard kung saan makikita ang kanilang mga panawagan para sa adminitrastyong Marcos.
Kabilang dito ang pagtataas ng sweldo, pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pagbuwag sa NTF-ELCAC, at iba pa.
WATCH: Mga raliyista, dala ang mga banner at placard sa bahagi ng PHILCOA, Quezon City kung saan makikita ang kanilang mga panawagan para sa adminitrastyong Marcos.
🎥: Jun Corona/Radyo Inquirer On-Line#2022SONA pic.twitter.com/DmX2betC3C
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 25, 2022
Sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic, nakiisa rin ang mga pribado at government health worker sa ikinasang protesta.
Iniisa-isa ni Health Alliance for Democracy Secretary General Albert Pascual ang kanilang mga panawagan kay Pangulong Marcos para maiangat ang healthcare system sa bansa:
WATCH: Panawagan ni Health Alliance for Democracy Secretary General Albert Pascual para sa unang SONA ni Pangulong Ferdinand @bongbongmarcos Jr.
🎥: Jun Corona/Radyo Inquirer On-Line#2022SONA pic.twitter.com/qlv8cDIMaM
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 25, 2022
WATCH: Ayon pa kay HEAD Sec-Gen Pascual, dapat gumawa ang Marcos admin ng mga konkretong solusyon para maiangat ang sistemang pangkalusugan sa bansa.
Dapat din aniyang ibigay ang One COVID allowance para maitaas ang moral ng health workers.
🎥:Jun Corona/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/ufxVHCFtPs
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 25, 2022
Mayroon ding mga grupo na nagparating ng hinaing ukol sa umano’y human rights violation na naganap sa panahon ng Martial Law sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ama ni Pangulong Bongbong Marcos.
Nakatakdang ihatid ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaniyang unang SONA sa Batasang Pambansa sa Lunes ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.