Mahigit 80 menor de edad, huli sa paglabag sa curfew sa Mandaluyong, QC at Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2016 - 06:39 AM

(FILE) Twitter Photo / Mandaluyong Police
(FILE) Twitter Photo / Mandaluyong Police

Nagsagawa ng magkakahiwalay na operasyon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila bilang pagpapatupad ng ordinansa ng mga lokal na pamahalaan na nagpapataw ng curfew sa mga kabataan.

Sa Mandaluyong City, 60 menor de edad ang nahuli simula kagabi hanggang kaninang madaling araw dahil sa paglabag sa curfew.

Dinala sa Mandaluyong Police Station ang mga dinakip na menor de edad ang kanilang mga magulang ay pinaalalahanan at binasahan ng Code of Parental Responsibility.

Sa E. Rodriguez Sr. Avenue sa Quezon City, umabot sa 21 menor de edad din ang dinampot kagabi dahil sa paglabag sa curfew.

Habang sa Taguig City, mayroong pitong menor de edad na dinala din sa presinto dahil sa parehong paglabag.

Pinaiiral ang curfew sa nabanggit na mga lungsod mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Ang mga magulang ng lahat ng nahuling menor de edad ay ipatatawag at maaring mapatawan ng parusa partikular ang pagsasagawa ng community service dahil sa pagpapabaya sa kanilang mga menor de edad na anak.

 

 

 

TAGS: 80 minors arrested in Mandaluyong Taguig and QC operations, 80 minors arrested in Mandaluyong Taguig and QC operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.