2.3 milyong bagong botante, nagpa-rehistro ayon saa Comelec
Pumalo na sa 2.3 milyong bagong botante ang nagpa-rehistro sa ibat ibang tanggapan ng Commission on Elections.
Ayon kay Comelec spokesperson Attorney Rex Laudiangco na base sa talaan ng kanilang hanay noong July 21, nasa 2,334,406 ang nagpa-rehistro.
Sa naturang bilang, 1,456,699 ang edad 15 hanggang 17 anyos, 752,819 ang edad 18 hanggang 30 anyos at 24,888 mula 31 anyos pataas.
Isasagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 5, 2022.
Ngayong araw, July 23, ang huling araw ng pagpapa-reshitro.
Agad namang humingi ng paumanhin si Laudiangco sa mga magpaparehistro na nakapila sa Comelec at hindi na aabot sa huling oras ng pagpapatala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.