Weekend road reblocking, ipagpapatuloy ng DPWH

By Angellic Jordan July 22, 2022 - 02:14 PM

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gagawin ang naturang aktibidad simula 11:00, Biyernes ng umaga (Hulyo 22).

Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA NB Quezon City sa bahagi ng Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane), pagkatapos ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora tunnel (3rd lane mula sa center island fast lane), pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang New York (3rd lane mula sa island, intermittent section), pagkatapos ng Kamuning/Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station (sa tabi ng center island)
2. Fairview Avenue SB malapit sa Mindanao Avenue Extension (1st lane mula sa center island)
3. Cloverleaf (Chn.000-Chn 258) patungong NLEX (Northbound)
4. Cloverleaf (Chn.000-Chn 234) patungong NLEX (Southbound)
5. Along EDSA-Quezon City Southbound (Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge)

Muling bubuksan ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Hulyo 25).

Payo naman sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta habang isinasagawa ang road repair activities.

MMDA photo
MMDA photo

TAGS: DPWH, mmda, RoadAdvisory, RoadAlert, RoadReblocking, RoadRepair, DPWH, mmda, RoadAdvisory, RoadAlert, RoadReblocking, RoadRepair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.