Task force na mag-iimbestiga sa media killings, bubuuin ng Duterte administration
Bubuo ng task force ang papasok na Duterte administration na layong imbestigahan ang mga media killings sa bansa.
Ito ang pahayag ni Peter Laviña, campaign spokesperson ni President-elect Rodrigo Duterte nang ito’y bumisita sa burol ng pinatay na mamamahayag na si Alex Balcoba ng People’s Brigada kahapon.
Ayon kay Laviña, ipinaabot ni President-elect Duterte sa naulilang pamilya ang pakikiramay nito. Dagdag pa nito, nangako ang susunod na Pangulo na paiigtingin ang proteksyon para sa mga mamamahayag.
Sa ilalim aniya ng Duterte administration, bibigyan ng malaking respeto ang press freedom.
Magtatalaga rin aniya ang susunod na administrasyon ng isang special prosecutor na tututok lamang sa mga insidente ng media killings sa bansa.
Si Balcoba ay binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng kanyang watch repair shop sa Quiapo Maynila noong nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.