P12 milyong halaga ng smuggled na sibuyas, nasamsam sa Misamis Oriental

By Angellic Jordan July 21, 2022 - 07:13 PM

BOC photo

Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro ang milyun-milyong halaga ng smuggled agricultural products sa apat na containers sa Mindanao Container Terminal Port sa bahagi ng PHIVIDEC Compound sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Martes, Hulyo 19.

Dumating ang mga kargamento mula sa China noong Hulyo 12.

Naka-consign ang mga kargamento sa Primex Export and Import Producer at idineklara na naglalaman ng “Spring Roll Patti” base sa Inward Foreign Manifest nito.

Noong Hulyo 13, agad naglabas si District Collector Atty. Elvira Cruz ng Pre Lodgment Control Order (PLCO) laban sa naturang shipment.

Nang magsagawa ng eksaminasyon ang CIIS-CDO; ESS-CDO, CCBI, BPI, MICTSI, PDEA at Customs examiner, tumambad ang mga pula at puting sibuyas na tinatayang nagkakahalaga ng P12 milyon.

Maglalabas ang ahensya ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa naturang shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Ito na ang ikalawang seizure ng Port of Cagayan de Oro sa nakalipas na dalawang linggo.

Umaasa naman ang ahensya na magsilbi itong babala sa mga indibiduwal na may balak pang magsagawa ng smuggling activities sa bansa.

TAGS: BOC, InquirerNews, PortofCDO, RadyoInquirerNews, SmuggledOnions, BOC, InquirerNews, PortofCDO, RadyoInquirerNews, SmuggledOnions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.