1 patay, 15 pang residente ng Tondo tumba sa pagkain ng chicken mami

By Jan Escosio July 21, 2022 - 09:46 AM

Matapos kumain ng chicken mami, isinugod na sa mga ospital ang 16 residente ng Tondo sa Maynila at isa sa kanila ang napaulat na namatay.

Base sa ulat ng Manila Police District (MPD) Station 1, nangyari ang insidente bandang 10:30, Miyerkules ng umaga (Hulyo 20), sa Gapan Street na sakop ng Barangay 172.

Ayon sa mga biktima, nakaramdam sila ng pagkahilo at may ilang nagsuka matapos kumain ng mami na tinda ng kanilang kapitbahay na nakilalang si Joy dela Vega.

Kayat dinala na sila Tondo General Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center at Chinese General Hospital.

Nabatid na naipadala na ang sample ng mami sa Manila Health Department para masuri.

Iniimbestigahan naman na ng MPD kung ang insidente ay kaso ng food poisoning.

Samantala, tiniyak ng Manila Department of Social Welfare na bibigyan ng angkop na tulong ang mga biktima.

Kasabay nito, nagbilin si Dir. Ma. Asuncio Fugoso na mag-ingat sa mga kinakain at aniya, dapat ding tiyakin ng mga nagluluto na ligtas ang kanilang mga sangkap.

 

TAGS: food poisoning, Tondo, food poisoning, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.