Sen. Koko Pimentel, Sen. Risa Hontiveros may usapan na ‘minority role’
Ibinahagi ni Senator Aquilino Pimentel III na may kasunduan na sila ni Senator Risa Hontiveros ukol sa magiging istratehiya nila bilang minoriya sa Senado sa 19th Congress.
“Ang agreement naming so far, ang role ng minority hindi kami obstructionist, kami ay magiging constructive minority,” ani Pimentel.
Dagdag pa niya, titiyakin nila na masusunod ang Senate rules at ang bawat panukala ng mga senador ay nakasunod sa Saligang Batas.
Titiyakin din nila sa minoriya na ang bawat panukala ay may magagawang tulong sa buhay ng ordinaryong mamamayan at napapanahon.
Halimbawa aniya kung ang panukala ay para sa pagbaba ng presyo ng bilihin, tiniyak niya ang suporta nila, ngunit ibang usapan kung may kinalaman sa buwis ang isusulong.
Kasabay nito, inamin ni Pimentel na wala pang katiyakan kung aanib sa kanila ang magkapatid na Sens. Alan Peter at Pia Cayetano.
“Imagine kung sumama sa amin ang magkapatid na Cayetano na well represented pagdating sa gender, tapos dalawang abogado, beteranong mambabatas, articulate sa legis, ang galinga niyan. Hindi lang kami dumoble, nag-time 200 percent pa,” sabi pa ni Pimentel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.