Philippine National Games Act of 2022 isinusulong ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio July 19, 2022 - 09:56 AM

Nais ni Senator Christopher  “Bong” Go na magkaroon ng istraktura para sa mas komprehensibong national sports program.

Sa inihain niyang Philippine National Games Act of 2022, gusto ni Go na magkaroon ng ugnayan ang grassroots sports promotion sa national sports development.

Paliwanag ng senador gusto niya na ang lahat ng mga may potensyal sa ibat-ibang larangan ng palakasan ay mabigyan ng pantay na oportunidad na makasali sa mga international sporting events.

Naniniwala si Go na ito ang magiging daan para kilalanin ang Pilipinas bilang ‘Sports Powerhouse of Asia.’

Kasabay nito, nagpahatid din ng kanyang mensahe ng pagbati si Go sa national women football team matapos ibigay sa Pilipinas ang unang korona sa ASEAN Football Federation – Women.

“Congratulations, Filipinas team for making history as the champion in the 2022 AFF Women’s Championship. Sa muli, pinatunayan ninyo ang angking galing ng mga atletang Filipino,” sabi ni Go.

Tinalo ng Pilipinas ang Thailand sa finals, matapos alisan ng korona ang Vietnam.

TAGS: bong go, news, Radyo Inquirer, sports, bong go, news, Radyo Inquirer, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.