PHLPost, magsasagawa ng plaza-type distribution para sa pamamahagi ng national ID

By Chona Yu July 18, 2022 - 06:21 PM

Photo credit: PHLPost/Facebook

Magsasagawa ng plaza-type distribution ang Philippine Postal Corporation para mapabilis ang pamamahagi ng National ID card.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PHLPost Master General at CEO Norman Fulgencio na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa local government units, partikular na ang barangay officials para ikasa ang plaza-type distribution.

“So, gumagawa tayo na kung pupuwede, over the weekend ay maipatawag, baka mamaya kasi iyong magri-receive ay nasa trabaho. So, mayroon tayong ginagawang schedule na sana on a Sunday ay maipatawag ng Kapitan, mai-organize para lahat ng mga nandoon sa particular area na iyon ay mai-deliver natin iyong ating mga ID doon sa Plaza or kung saan man, sa basketball court or barangay hall,” pahayag ni Fulgencio.

May mga pagkakataon kasi aniya na nagde-deliver ang PHLPost ng national ID card subalit walang tao sa bahay.

Payo ni Fulgencio, para sa mga hindi pa nakatatanggap ng national ID card, bisitahin ang kanilang website na tracking.philpost.gov.ph.

Sa ganitong paraan, malalaman aniya ng taong bayan kung nasaan ang kanilang card.

TAGS: BUsiness, InquirerNews, NationalID, Norman Fulgencio, OilPriceRollback, PHLPost, plaza-type distribution, RadyoInquirerNews, BUsiness, InquirerNews, NationalID, Norman Fulgencio, OilPriceRollback, PHLPost, plaza-type distribution, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.