Weekend road repair sa ilang kalsada sa NCR, ipagpapatuloy
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lingguhang road repair schedule sa EDSA, C-5, at ilang parte sa Quezon City.
Ayon kay DPWH National Capital Regional Director Nomer Abel Canlas, sisimulan ang road rehabilitation activities bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Hulyo 15).
Sakop nito mga sumusunod na road segment ng EDSA Northbound; bahagi ng Santolan MRT Station, bus lane; pagkatapos ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel, ikatlong lane mula sa center island (fast lane); pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, ikatlong lane mula sa center island (intermittent section); at pagkatapos ng Kamuning Road at Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station, sa tabi ng center island sa Quezon City.
Itutuloy din ang repair works sa EDSA Southbound, mula sa Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City.
Pansamantala ring isasara sa mga motorista ang ikalawang lane ng C-5 Southbound sa Makati City para sa gagawing road repair.
Aayusin din ang ilang kalsada sa Quezon City, kabilang ang; Quirino Highway, bago ang Manila North Diversion Road (MNDR) Flyover, ikalawang inner lane; Cloverleaf (CHN.000 – CHN 258) patungong NLEX Northbound; at Cloverleaf (CHN.000 – CHN 234) patungong NLEX Southbound.
Dahil sa inaasahang pagbagal sa trapiko malapit sa construction areas, inabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Muli namang bubuksan ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Hulyo 18).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.