WATCH: Pangulong Marcos, nasa mabuting landas sa pagpapatupad ng ‘rightsizing’ – VP Duterte

By Chona Yu July 14, 2022 - 05:37 PM

Photo credit: Pangulong Bongbong Marcos/Facebook

Nasa mabuting landas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatupad ng “rightsizing” o pagbabawas ng empleyado ng pamahalaan.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, sa ganitong paraan kasi, mare-review kung lahat ng mga empleyado at posisyon ay kapaki-pakinabang pa sa ahensya at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Pero pagtitiyak ni Duterte, hindi naman agad-agad na maipatupad ang pagbabawas ng mga empleyado.

“I don’t see it happening in the short term dahil mahirap po mag-rightsize ng buong government. Nahirapan nga kami sa doon sa LGU namin, all the more dito na buong national government,” pahayag ni Duterte.

Una rito, kinatigan ng economic team ng Pangulo na tanggalin ang mga dobleng posisyon at hindi napakikinabangan na mga empleyado para makatipid ng pondo.

Tinatayang nasa P14 bilyon ang matitipid ng pamahalaan sa “rightsizing” at nasa dalawang milyong empleyado ang matatanggal sa serbisyo.

Hindi pa naman matukoy ni Duterte kung kasama sa maapektuhan sa plano ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na kanyang pinamumunuan.

Narito ang pahayag ni Duterte:

TAGS: BBM, BBMadmin, BreakingNews, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, rightsizing, SaraDuterte, TagalogBreakingNews, BBM, BBMadmin, BreakingNews, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, rightsizing, SaraDuterte, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.