Sen. Risa Hontiveros humirit ng imbestigasyon sa PHSA abuses

By Jan Escosio July 14, 2022 - 08:06 AM

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan sa Senado ang mga sumbong ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa mga estudyante ng Philippine High School for the Arts (PHSA).

Sa kanyang resolusyon, hiniling ni Hontiveros na ang pinamumunuan niyang Senate Committee on Women ang mag-imbestiga.

Gusto din niyang alamin kung may posibleng paglabag sa Safe Spaces Act na kanya ring iniakda.

“It is imperative that the Senate, exercising its oversight powers, initiate a thorough but expeditious investigation on the matter to ensure that PHSA and other educational institutions are safe spaces, especially with the upcoming blended/face-to face-classes in August,” saad ni Hontiveros sa resolusyon.

Una nang nagpahayag ng kanyang suporta ang senadora sa mga lumutang na biktima at nagbunyag ng kani-kanilang hindi kanais-nais na karanasan sa naturang paaralan.

TAGS: Child Abuse, hontiveros, PHSA, Child Abuse, hontiveros, PHSA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.