DOLE sinabing maraming kompaniyang hindi nakakasunod sa occupational safety policy
Maraming kompaniya ang walang safety committees at safety officers para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
Ito ang ibinahagi ni DOLE – Occupational Safety and Health Center executive director Noel Binag at aniya, nadiskubre nila ito sa pagsasagawa ng labor inspections sa mga establisyemento.
Idinagdag pa ni Binag na may mga wala ding first-aid responders at aniya, dapat may occupational health personnel ang mga malalaking kompaniya.
Pagdidiin lang niya, ang pagiging ligtas sa trabaho ay responsibilidad ng lahat.
Sa pagitan lamang ng tatlong araw, dalawang trahedya ang nangyari na ikinasawi ng walong manggagawa.
Noong nakaraang Biyernes, nasawi ang dalawang manggagawa matapos mabagsakan ng elevator sa isang gusali sa Makati City.
Noong nakaraang Martes, Hulyo 12, anim na obrero ang nabagsakan ng konkretong pader sa kanilang barracks sa Tagaytay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.