WATCH: Brigada Eskwela umarangkada na

By Ricky Brozas May 30, 2016 - 08:56 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sinimulan na ang “Brigada Eskwela” ng Department of Education (Deped) sa mga pampublikong paaralan ngayong araw.

Sa Ramon Magsaysay High School sa Brgy. Pinagkaisahan sa Cubao, Quezon City, pipinturahan ang mga classroom at aayusin ang mga sirang silya.

Pitumput’anim na mga classrooms na bumubuo ng RMHS ang pipinturahan para magmukhang kaaya-aya sa mga estudyante na papasok sa darating na pasukan.

Kabilang sa makikiisa sa paglilinis ay ang mga kinatawan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Ipinaskil na rin sa lobby ng eskuwelahan ang sample ng gagamiting school uniforms ng mga estudyante lalo na ang papasok sa senior high school.

Nagpaalala din ang paaralan na sa June 10 ay gaganapin ang orientation para sa papasok sa senior high school.

Sa Batasan Hills National High School sa Quezon City, sinimulan sa isang parada ang seremonya ng pormal na pagsisimula ng Brigada Eskwela.

Pumarada ang mga estudyante, mga guro at mga magulang bitbit ang mga gamit sa panglinis gaya ng mga walis, mga timba at mga pintura.

May tumulong ding mga pulis at iba pang grupo ng volunteers sa paglilinis ng paaralan.

Narito ang ulat ni Ricky Brozas,

 

 

TAGS: Brigada Eskwela, Brigada Eskwela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.