Mataas na presyo ng itlog iniaangal na ng mga negosyante

By Chona Yu July 13, 2022 - 12:10 PM

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Matumal ang bentahan ng mga itlog dahil sa mataas na presyo nito.

Ito ang ibinahagi sa Radyo Inquirer Online ni Brenda Castro, nagtitinda ng itlog sa Blumentritt Market sa Maynila.

Ibinahagi ni Castro na dati ay P150 lamang ang isang tray ng itlog ngunit ngayon ay nasa P190 hanggang P200 na.

Aniya kung patuloy pang tataas ang presyo ay maaring ikunsidera na niya na magsara muna.

Tinataya na aabot sa P10 hanggang P15 ang presyo ng bawat itlog.

Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo at patuka, gayundin ang avian flu ang mga idinadahilan sa mataas na presyo ngayon ng itlog.

TAGS: avian flu, itlog, oil price hike, avian flu, itlog, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.