DepEd naglatag ng mga opsyon sa pagsisimula ng School Year 2022 – 2023
Inaasahan ng Department of Education (DepEd) na pagsapit ng Nobyembre 2 ay makakapagpatupad na ng 100% in-person classes ang lahat ng public at private school sa bansa.
Hindi lamang sakop nito ang mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes.
Kasunod ito nang pag-anunsiyo ng kagawaran na ang School Year 2022 – 2023 ay magsisimula sa Agosto 22.
Kasabay nito ang pagbibigay ng DepEd ng mga opsyon sa pagsisimula muli ng mga klase at nangunguna na ang limang araw na face-to-face classes at blended learning, na tatlong araw na in-person at dalawang araw na distance learning na susundan ng apat na araw na in-person at isang araw na distance learning.
Maari pa rin ang full distance learning, ayon pa sa kagawaran at ang mga ito ay ipapatupad hanggang Oktubre 31 lamang.
Idinagdag din na ang in-person classes ay isasagawa anuman ang COVID 19 alert level sa lugar.
Samantala, ang school Christmas break ay magsisimula ng Disyembre 19 at magtatapos sa Enero 3 ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.