LP, papasok na rin sa Coalition for Change

By Kathleen Betina Aenlle May 30, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Sasama na sa “Coalition for Change” ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang Liberal Party (LP) para suportahan si incoming President Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., nagbigay na si Pangulong Aquino ng go-signal para suportahan si Duterte at ang pambato nilang maging House Speaker na si incoming Rep. Pantaleon Alvarez.

Aniya, karamihan sa 115 na miyembro ng Kamara na nanalo sa halalan bilang kandidato ng LP ay inaasahang lumipat sa coalition ng PDP-Laban.

Nais aniya ng buong partido na maging bahagi ng mayorya at nakikipagnegosasyon na aniya sila tungkol dito.

Ang kanilang pagsama sa mayorya ay alinsunod na rin sa direktiba ni Duterte na lahat ng miyembro ng LP na sasama sa mayorya ay dapat lumipat sa PDP-Laban kung si Belmonte at ang mismong LP ay magiging minority bloc.

Dagdag pa ni Belmonte, mas gusto naman ni Pangulong Aquino na mapunta sa majority ang LP at buong grupong sumuporta kay Duterte.

Ayon naman kay LP political affairs chief Caloocan Rep. Edgar Erice, wala naman siyang nalalaman na balak na pag-atras ni Pangulong Aquino o ng partido sa pagsuporta sa Duterte administration.

Wala rin naman siyang alam na inilabas na mandato na pumipigil sa desisyon ng mga miyembro ng LP kung sasama sila sa minority o hindi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.