158 pasahero, nailigtas sa nagkaaberyang barko sa Cebu
Aabot sa 158 na pasahero ng barko ang nakaligtas matapos magkaaberya ang makina ng MV Lite Ferry sa karagatan ng Liloan, Cebu.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), galing sa Liloan, Cebu ang barko at patungo sana sa Ormoc City nang magkaproblema ang makina ng barko.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, kaya pumalya ang makina ng barko dahil sa diluted fuel.
Agad naman na nag-angkurahe ang barko sa two nautical miles ng Bagacay Point sa Liloan at inayos muna ang makina.
Naayos pa ito ng crew ng barko subalit sumabit naman ang angkurahe dahilan para putulin na lamang ang anchor chain.
Nagpasya ang crew ng barko na bumalik na lamang sa Pier 4 ng Cebu.
Ayon sa PCG, nasa maayos naman na kalagayan ang 158 na pasahero.
Nakabiyahe na ang mga pasahero sakay ng MV Lite Ferry 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.