Mayorya ng mga Pinoy, umaasang tutugunan ang inflation rate sa administrasyong Marcos
Prayoridad ng mga Filipino na ma-control ang inflation sa bansa.
Base ito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Ginawa ang survey mula Hunyo 24 hanggang 27.
Sa naturang survey, 57 porsyento ng mga Filipino ang umaasa na tutugunan o kokontrolin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inflation rate.
Base sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.1 porsyento ang inflation ng bansa noong buwan ng Hunyo.
Bukod sa inflation, nais din ng mga Filipino na matugunan ni Marcos ang pagtataas ng sweldo, pagtugon sa kahirapan sa bansa at paglikha ng dagdag trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.