Election lawyer, hinimok is President-elect Rodrigo Duterte na dumalo sa sariling proklamasyon bukas

By Mariel Cruz May 29, 2016 - 03:00 PM

macalintalHinimok ng isang election lawyer si President-elect Rodrigo Duterte na dumalo sa sariling proklamasyon bukas.

Ito ay para magpakita ng respesto sa Kongreso si Duterte at para na rin sa milyong milyon taga hanga ng alkalde na naghihintay at umaasa sa kanya.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, hindi dapat dismayahin ni Duterte ang kanyang milyong milyong supporters dahil lamang sa kagustuhan niya na hindi dumalo sa sariling proklamasyon.

Ipinunto rin ni Macalintal na ang proklamasyon ni Duterte bilang ika-labing anim na pangulo ng bansa ay hindi na mauulit sa kanyang buhay dahil sa constitutional ban sa kahit na sinong pangulo ng bansa na muling mahahalal.

Kanina lamang ay isinapinal na ni Duterte ang kanyang desisyon na hindi pagdalo sa magaganap na proklamasyon bukas, May 30, sa Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.