Isa sa mga suspek sa gang rape viral video sa isang menor de edad sa Brazil, nahuli na

By Mariel Cruz May 29, 2016 - 09:29 AM

Gang rape BrazilNaaresto na ang isa sa mahigit tatlumpung suspek sa gang-rape sa isang 16 year old na babae sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nangyari ang pag-aresto matapos magsagawa ng malawakang operasyon ang aabot sa 70 military police para mahuli ang mga suspek sa isang lugar sa Rio de Janeiro.

Hindi naman nagbigay ang mga pulis ng detalye ukol sa pagkakakilanlan ng nahuling suspek.

Ayon pa sa Brazilian police, sa ngayon ay isinasailalim sa interrogation ang nasabing suspek at tiniyak nila na mahuhuli nila ang iba pa at mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima.

Kamakailan ay sumiklab ang galit ng netizens sa social media at ikinagulat ng Brazil ang kumalat na video kung saan makikita ang isang babae na nakahiga sa kama na hubo’t hubad at ipinagyayabang ng mga suspek na ginahasa ito ng tatlumpung lalaki.

Kinondena naman ng United Nations women’s rights agency ang marahas na insidente.

Kasabay nito, siniguro ni Rio de Janeiro Justice Minister Alexandre de Morais na mananagot at ikukulong ang iba pang mahuhuling suspek.

TAGS: Brazil, gang rape viral video, Brazil, gang rape viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.