Palasyo, ‘no comment’ sa panukalang baguhin ang pangalan ng NAIA sa Ferdinand E. Marcos Int’l Airport

By Chona Yu July 06, 2022 - 04:35 PM

‘No comment’ ang Palasyo ng Malakanyang sa hirit ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa Ferdinand E. Marcos International Airport.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, wala sa posisyon ang Palasyo na makialam sa panukala dahil sa Kamara nagmula ang naturang hakbang.

Masyado aniyang premature sa Palasyo na magkomento lalo’t hindi pa naman umabot sa first reading ang panukala.

Ayaw na ring magkomento ng Palasyo kung napapanahong ihain ang panukala lalo’t nahaharap ang bansa sa iba’t ibang problema.

Ayon kay Angeles, hindi naman ang Palasyo ang naghain ng panukala.

TAGS: ArnolfoTeves, BBM, BBMadmin, FEMIA, Ferdinand E. Marcos International Airport, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, ManilaInternationalAirport, NAIA, PBBM, RadyoInquirerNews, TrixieAngeles, ArnolfoTeves, BBM, BBMadmin, FEMIA, Ferdinand E. Marcos International Airport, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, ManilaInternationalAirport, NAIA, PBBM, RadyoInquirerNews, TrixieAngeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.