WATCH: Pangulong Marcos, na-misunderstood sa hindi pagsang-ayon sa 6.1-percent inflation sa Hunyo – Diokno
Na-misunderstood si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nang hindi maniwala na nasa 6.1 porsyento ang inflation ng bansa noong buwan ng Hunyo.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang tinutukoy kasi ni Pangulong Marcos ay ang 4.4 porsyentong average inflation para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.
Pasok pa rin aniya ito sa 3.7 hanggang 4.7 porsyentong tinitingnan para sa taong 2022.
“He was referring to it as a full-year figure when in fact the year-to-date, meaning January to June inflation rate is actually 4.4 percent. That’s what he has in mind,” pahayag ni Diokno.
Una rito, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 6.1 porsyento ang inflation ng bansa noong Hunyo, bagay na hindi sinang-ayunan ng Pangulo.
Ayon kay Diokno, tama naman ang Pangulo nang sabihin nitong apat na porsyento o mas mababa pa ang inflation rate.
Kabilang aniya sa nag-ambag sa datus na ito ay ang operasyon ng personal transportation o mga lumalabas na pribadong sasakyan, equipment, kuryente, langis, karne at iba pang land animals.
Tama rin naman aniya ang Pangulo nang sabihin problema talaga ng buong mundo ang inflation rate, hindi lamang ng Pilipinas.
Patunay aniya nito ay ang naitalang inflation rate ng Indonesia na umakyat sa 4.4 porsyento mula sa dating 3.6 porsyento; ang Thailand ay 7.7 porsyento mula sa dating 7.1 porsyento; ang mga bansa sa Europa ay may 8.6 porsyento nitong Hunyo, pinakamataas sa 11 taon, habang ang estados Unidos ay 8.6 porsyento.
Kaugnay nito, sinabi ni Diokno na kabilang sa mga nag-ambag ng pagtaas ng inflation ay ang price adjustment sa operasyon ng personal transport equipment, kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo, karne at iba pang land animals.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Diokno:
WATCH: Finance Sec. @SecBenDiokno ukol sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand @bongbongmarcos sa 6.1 porsyentong inflation rate sa June 2022 | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/KLAiKtCVB3
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 6, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.